LA MAN LANG MAGAWA, KWENTOHANG OGAGS :D
wala man lang magawa sa bahay, sa shop sa kapitbahay, lalo na sa ref (walang laman!)wala pala kami ref :D, halos lahat ng post sa youtube napanood ko na (syempre, para pang exage sa situasyon, at para din mapa wow kayo), wala man lang magawa,wala naman makakwentohan kaya gagawa nalang ako ng kwento na ako ang bida, at walang sisingit ng "mali" "ndi naman totoo yan eh" "kalokohan naman" o kaya "yung laway mo tumalsik, di ko nasalo", dumaan ba kayo sa pagkabata? ang tanong na walang kwenta, for introduction purposes lang naman guys, syempre ako sasagot, "oo dumaan kami" madaming kalokohan tayo nang bata tayo na ndi nyo na mtandaan at di nyo na alam na kalokohan pala, ung iba jan may naiisip na, yung iba nabobored na. :D haha. pero tuloy pa din tayo, madami tayong kalokohan ng bata tayo, isa na dito ang pagtataka natin kung totoo nga bang umiilaw ang ref kapag sinara natin to, may pasilip silip pa kayo nun (ako din :D), pangalawa, natatandaan nyo ba ang chichiryang "WOW", na merong tatak sa pakete na imahe ng isang hipon, materials: alcohol, pakete ng "WOW", pamunas at kahon sa ilalim ng shorts (kung sakaling mahuli kayo na gumawa nito ng magulang nyo) step1. basain/mudmudan/lamutakin o kaya naman ay punasan ng alcohol ang pakete ng "WOW" step2. ilapat ang bahaging harapan ng pakete (kung saan nilagyan ng alcohol, at kung adik ka at wala kang magawa sa buhay mo, at non-reader kapa ilapat mo ang likodang bahagi kung saan ndi mo nilagyan ng alcohol para masagad TO THE MAX ang kat@%gahan mo :D) sa parte ng katawan na maputi, at kung maitim kayo, wag nyong damdamin na ndi nyo makita ang kamangha-manghang TATTOO :D step3. siguradohin mong nabasa mo ng maayos ang step 2 dahil pati din ako di ko na maintindihan (non-reader ako at di din makapagsulat :D) step4. himas-himasin (palitan ntin ang ginamit na salita) rub-rubin ang pakete ng "WOW", maghintay ng ilang sandali, o kaya naman, silipin nyo ang magulang nyo kung nakikita kayo at magdasal ng sampung "ama namin" o kaya kumanta nalang na "alejandro". step 5. dahan-dahang alisin ang pakete ng "WOW" at mamangha sa magiging resulta nito, may instant tattoo na kayo!!!!!!! pangatlong kalokohan, sino ba naman ang mkakatanggi sa appeal na dating ng electricfan, habang kumakanta sa harap nito, lupet diba? makikipag agawan kapa nito sa kapatid mo kapag okupado niya, PS: wag gamitin ang ceiling fan, mahirap abutin e, at maalikabok :D pangapat na kalokohan, ang kaawa-awang telepono, haha, sino ba namang bata ang ndi lalandiin ang telepono, kahit sino tatawagan, pati jollibee, pati radio station, pati kapitbahay mangiinis lang, (libre e, pero try nyo sa CP ng magulang nyo, kung di kayo bawasan ng allowance :D) panglimang kalokohan, tawagin natin tong ideang ito na "SI ROBIN HOOD, Musmos Version saga" ang pag tatago ng stocks ng libreng biskwit at libreng gatas na nasa tetra pack pa, tinawag nating "SI ROBIN HOOD, Musmos Version saga" ito dahil ako ang bida, ako ang salarin at may kasabwat din ako syempre, tinatago namin ang mga nakulmbat na pagkain, para the nextday, papasok palang kami ng school, may pagkai na kami at may papainggit kami sa mga kaklase naming babae, at ndi lang ito para samin, para din sa mga aso namin sa bahay, at para din may pasalubong ako sa magulang ko galing paaralan, baka sabihin nilang umalis ako ng walang pasalubong, baka magtampo. Madami pa sana ako ilalagay, kaya lang, baka may limit ang character ng notes sa facebook, kaya hanggang dito nalang, sa susunod na ang ibang kwentohan, dota muna :D, hayyyy, sa haba ng natype ko, wala talagang magawa :D
No comments:
Post a Comment